Anim na tao na ang naitalang namatay sa lungsod ng Quezon dahil sa kagat ng lamok na nagtatataglay ng dengue virus.
Batay sa rekord ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, ang tatlo na namatay dahil sa dengue ay mula sa Barangay Tatalon at Krus na Ligas sa District 4.
Isa sa Brgy. Sto Domingo sa District 1 habang tig-iisang kaso naman ang naitala sa Brgy. Unang Sigaw at Brgy. Payatas sa District 6 at 2.
Ang District 1 naman ang may pinakamaraming kaso na umabot sa 569 cases, habang District 2 naman ang pinakamababa na may 296 na kaso.
Gayunman, sa rekord ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), mas mababa pa rin ang kasong ito ng 9.04% o 268 cases kumpara sa naitala noong nakalipas na taon.
Dahil dito, paalala city government sa mga residente, magtungo agad sa pinakamalapit na health center o ospital kung may makita o maramdamang sintomas ng dengue.