Kaso ng negosyanteng Chinese na si Joseph Sy, inaapela pa —DOJ

Inaapela pa ang kaso sa Chinese businessman na si Joseph Sy na tinaguriang Alice Guo 2.0.

Ito ang paglilinaw ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng paglalabas ng Taguig Regional Trial Court (RTC) ng release order para kay Sy na nahaharap sa deportation dahil sa pagpapanggap umanong Pilipino.

Kinatigan ng korte ang inihain ng negosyante na petition for habeas corpus na layong harangin din ang kaniyang deportasyon.

Pero sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patuloy itong inaapela lalo’t maraming kaduda-duda sa kaniyang citizenship.

Hindi rin aniya porket mayaman si Sy ay maaari na nitong labagin ang mga batas dito sa Pilipinas.

Nananatili sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) si Sy mula pa noong August 21.

Sa ngayon, naisumite na ang apela sa Court of Appeals (CA) at hihintayin na lamang ang magiging resolusyon.

Facebook Comments