Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at ng Octa Research na mas mabilis na bumaba ang kaso ng Omicron variant sa Metro Manila kaysa sa kanilang projection
Gayunman, posible anilang matagalan pa ang Omicron wave sa bansa dahil nagsisimula pa lang na tumaas ang kaso nito sa ibang lugar.
May ibang lugar din anila ang wala pang kaso ng Omicron variant kaya posibleng abutin pa hanggang sa Abril bago tuluyang humupa ang kaso nito sa bansa.
Kinumpirma naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na wala pang naitatalang kaso ng sub-variant BA.2 ng Omicron.
Ang naturang sub-variant ay una nang na-detect sa United Kingdom, Denmark, Sweden, France, Canada, Australia, at India.
Facebook Comments