KASO NG ONLINE SELLING SCAM, BUMABA

Bumaba ang bilang ng mga kaso ng online selling scam sa bansa ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Batay sa tala ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), mula Enero 1 hanggang Mayo 8, 2024, umabot sa 1,214 ang naitalang kaso ng online scam. Sa kaparehong petsa ngayong taon, bumaba ito sa 795 — mas mababa ng mahigit 400 kaso.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Dagupan kay PNP-ACG Spokesperson PLt. Wallen Mae Arancillo, inilahad niyang online selling scam pa rin ang nananatiling pinakamaraming reklamo na kanilang natatanggap.
Nagpaalala rin si Arancillo, lalo na sa mga Pangasinense, na maging mapanuri at huwag basta-basta magtitiwala sa mga online transaction.
Patuloy naman ang isinasagawang information dissemination drive ng kanilang tanggapan sa iba’t ibang barangay upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng publiko hinggil sa mga banta ng cybercrime. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments