Kaso ng orthopedic surgeon na nasawi sa kulungan, pag-aaralan ng Korte Suprema

Pag-aaralan ng Korte Suprema ang kaso ng orthopedic surgeon na si Benigno “Iggy” Agbayani Jr., na nasawi sa kulungan noong Oktubre.

Ayon kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, nais nilang malaman ang tunay na nangyari upang makabuo ng mga bagong patakaran upang hindi na maulit ang sitwasyon.

Tinitignan din aniya nila, ang posibilidad na nagkaroon ng lapses ang abogado ni Agbayani.


Matatandaang ikinulong si Agbayani noong Mayo, matapos mapatunayan ng mababang korte na guilty ito sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries na isinampa ng dati niyang pasyente na si Saul Hofileña Jr.

Noong Nobyembre rin nang humiling ang ilang doktor at medical professionals na magkaroon ng judicial review sa kaso ni Agbayani.

Kaugnay nito, sinabi ni Gesmundo, na muli nilang rerepasuhin ang Code of Professional Responsibility upang matugunan ang insidente kung saan hindi epektibong nagagawa ng mga abugado ang kanilang tungkulin na protektahan ang interes ng kanilang kliyente.

Facebook Comments