Kaso ng pagdukot sa bansa, bumaba ngayon taon

Manila, Philippines – Nabawasan ang bilang ng mga kaso ng pagdukot sa bansa ngayong 2017.

Ito ang sinabi ni PNP Anti-Kidnapping Group Spokesman Supt. Abelardo Borromeo batay na rin sa kanilang tala mula nitong Enero hanggang ngayong Hunyo.

Aniya nasa 9 na kaso lamang ng kidnapping ang naiulat mas mababa ito kumpara sa 29 na kaso noong 2016, 38 kaso noon 2015 at 49 na kidnapping cases noon 2014.


Paliwanag ni Borromeo na sa 9 na kaso ng pagdukot ngayong taon, 6 na ang nareresolba habang 3 pa ang maituturing na live cases.

Sa mga kasong ito, 16 na indibidwal ang nadukot na kinabibilangan ng 8 Pilipino, 2 Indians at 6 na Tsino dalawa sa mga ito ang napatay.

Paglilinaw naman ni Borromeo na mga maliliit na criminal groups lamang ang may kagagawan nito at hindi malalaking sindikato.

Facebook Comments