May apat na checkpoints ang inilatag na sa entrance at exit points ng ilang pangunahing lansangan ng Rodriguez, Rizal para bantayan ang movements ng baboy na ipinapasok at inilalabas dito.
Kasunod ito ng ulat na maraming alagaing baboy sa mga backyard ang basta na lang namamatay bunga ng di pa mabatid na sakit.
Partikular na sa mga Barangay ng San Isidro, Macabod at San Jose.
Lahat ng mga sasakyan na may dalang baboy o karne na dumadaan sa checkpoints ay dapat may dalang certificate na galing sa National Meat Inspection Service o tatak ng NMIS bago sila payagang makabiyahe.
Ginagawa nila ito bilang precautionary measures at para hindi na makarating sa merkado ang mga karne mula sa mga namatay na baboy na tangka pang ibenta.
Hinimok din ng Veterinary Office ang mga consumers na maging mapanuri sa pagbili ng karne at tiyaking dumaan sa inspection ng National Meat Inspection Service.