Kaso ng pagpapanood ng Guro ng maselang video sa kanyang mga estudyante sa Iloilo, iimbestigahan ng DepEd

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) sa Iloilo ang insidente kung saan ipinakita ng isang guro sa kanyang Grade 10 Students ang isang Porn Video bilang bahagi ng Sex Education.

Ang Guro ay mula sa Pili National High School sa  Bayan ng Ajuy, Iloilo at insidente ay nangyari Sa Film Showing ng mga estudyante.

Nakarating na ang insidente kay Ajuy, Iloilo Mayor Jett Rojas na nagpahayag na ng pagkabahala sa paraan ng pagtuturo ng Guro.


Kinausap na ng Alkalde ang mga opisyal ng paaralan na iginiit pa na bahagi ng kanilang Sex Education Curriculum ang paglalabas ng nasabing video.

Nakiusap na ang Alkalde sa DepEd na bigyang patnubay ang mga Guro sa pagpapatupad ng Sex Education.

Facebook Comments