Kaso ng pagpatay kay Christine Silawan, hindi pa maituturing na ‘case closed’; 2 pang suspek, patuloy na hinahanap ng PNP

Naresolba na pero hindi pa maituturing na sarado ang kaso ng pagpatay sa grade 9 student na si Christine Silawan.

 

Ayon kay Police Col. Bernard Banac, Spokesperson ng PNP, may 2 pang suspek na hinahanap ang mga otoridad na may kaugnayan sa pagpatay sa menor de edad.

 

Hindi naman maibigay ni Banac ang partisipasyon ng 2 pang hinahanap na suspek dahil ito ay base lang sa salaysay ng mastermind sa krimen na una nang naaresto.


 

Paliwanag ng opisyal, patuloy ang kanilang koordinasyon sa National Bureau of Investigation-7 kaugnay sa kaso at ginagamit ang lahat ng ebidensya kagaya ng CCTV.

 

Sinabi naman ni Banac na maituturing na “crime of passion” ang nangyaring krimen lalo pa’t napaulat na dating  nobyo ito ng biktima.

 

Kaugnay naman sa paglutang naman ni Jonas Bueno na naaresto rin ng NBI, muling nilinaw ng PNP na wala syang kinalaman sa krimen.

Facebook Comments