Kaso ng pagpatay kay Percy Lapid, iimbestigahan ng Senado

Iimbestigahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sabi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, sisimulan ang imbestigasyon kapag na-refer ito sa kanyang komite.

Posible aniyang isagawa ang unang pagdinig sa Novermber 7.


Noong Martes, inihain si Senator Bong Revilla ang Senate Resolution No. 264 kung saan ipinanawagan nito ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagpatay kay Lapid.

Samantala, ayon kay Dela Rosa na dati ring hepe ng Philippine National Police, buo ang tiwala niya sa imbestigasyon ng mga pulis.

Giit niya, wala namang dahilan ang mga pulis para gumawa ng kwento hinggil sa kaso at isaalang-alang ang kanilang mga trabaho.

Facebook Comments