Manila, Philippines – Matapos ang pagkalas ng Philippine National Police sa pangunguna sa War on drugs may sapat na raw na panahon ngayon ang kanilang hanay para resobahin ang libo libong kaso ng pagpatay o Homicide Cases Under Investigation.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, nagkasundo ang oversight committee sa kanilang pagpupulong kanina may kaugnayan sa anti llegal Drugs na tututukan na nila ngayon ang pagresolba sa kaso ng pagpatay.
Sinabi ni Carlos na sa ngayon ay may 10, 000 kaso ng homicide cases under investigation, kabilang na rito ang mga kaso ng riding in tandem.
Sinabi ni Carlos na mahalagang maresolba ang mga kaso upang matukoy ang motibo at mga suspek kontra sa akusasyon na may umiiral na Extra Judicial Killings sa bansa.
Bukod sa pagresolba sa mga Homicide Cases tutukan din ng PNP ang Internal Cleansing, Motorcycle Riding Suspects at pagpapalakas sa Defensive Position laban sa terorismo at mga threat groups.