Kaso ng pagpatay sa babaeng industrial engineer sa Bulacan, case solved na! – PNP

Itinuturing ng ‘case solved’ ang kaso ng pagpatay sa isang 24 taong gulang na babaeng industrial engineer sa Bulacan.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Darwin de Jesus Hernandez.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Director PCol. Charlie Cabradilla, pagnanakaw ang nakikita nilang motibo sa pagpatay sa biktimang si Princess Diane Dayor.


Lumabas kasi sa medico legal ng biktima na wala itong sugat sa anumang parte ng katawan maliban sa leeg na nakitaan ng bakas ng sakal mula sa strap ng bag nito.

Lumabas din sa imbestigasyon na dati ng may iba pang kaso ang suspek na may kaugnayan sa ilegal na droga at attempted rape.

Samantala, inirekomenda naman ng Philippine National Police (PNP) na ibigay sa eyewitness ang P300,000 na pabuya na naunang inalok ng pamahalaan ng Malolos sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

Facebook Comments