Kaso ng pagpatay sa bansa, bumaba – PNP

Manila, Philippines – Sa kabila ng mga pagkwestyon sa peace and order sa bansa bumaba raw sa nasa 7.98 percent o 554 ang kaso ng pagpatay sa buong bansa.

Ito ay batay sa latest crime data ng PNP the PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) mula buwan ng Enero hanggang Agosto taong kasalukuyan.

Batay sa datos ng DIDM’s Crime Research and Analysis Center umaabot sa kabuuang 6391 ang kaso ng pagpatay mula enero hanggang agosto taong kasalukuyan.


Mababa ito kung ikukumpara sa 6945 na kaso ng pagpatay mula Enero hanggang Agosto taong 2016.

Sinabi naman ni DIDM Chief, Police Director Augusto Marquez Jr. na ang dahilan ng pagbaba ng kaso ng pagpatay sa bansa ay dahil maigting na operasyon kontra krimen, korapsyon at iligal na droga.

Facebook Comments