Kaso ng pagpatay sa isang abogado sa Palawan, naresolba na ayon sa PNP

95

Naresolba na ang kaso sa abogadong pinatay sa Narra, Palawan nitong November 17.

Ayon kay Police BGen. Pascual Munoz, Regional Director ng Police MIMAROPA, nadakip na ang 3 suspek na sangkot sa pagpatay kay Atty. Eric Jay Magcamit.


Aniya, naaresto ang tatlo base na rin sa salaysay ng mga saksi at sa kuha ng dashcam sa sasakyan ng biktima at CCTV sa lugar.

Kinilala ang mga suspek na sina Jazrel Del Rosario at Marcelino Delos Reyes Quioyo na lulan ng motorsiklo na namaril sa biktima at pulis na si Staff Sgt. Ariel Pareja na nag-escort sa mga suspek.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, land dispute o awayan sa lupa sa Barangay Isugod, Quezon ang motibo sa krimen.

Matatandaang bago patayin, papunta sana sa hearing sa korte si Atty. Eric Magcamit sa bayan ng Quezon nang harangin ang kaniyang sasakyan sa Barangay Malinao sa Narra, Palawan.




Pinababa siya ng mga salarin at pinagbabaril.

Nagtamo ng 5 tama ng baril ang abogado na agad naman niyang ikinamatay.

Facebook Comments