Kaso ng pagpatay sa mag-inang Pinoy sa Canada, tinututukan ng Philippine Consulate sa Toronto

Tinututukan ng Philippine Consulate sa Toronto, Canada ang kaso ng pagpatay sa mag-inang Pilipino doon.

Ayon kay Consul General Orontes Castro, inaayos na rin ng konsulada ang repatriation ng labi ng mag-inang Elvie at Angelica Sig-od, 44 at 20-anyos.

Wala kasing kamag-anak sa Canada ang mga biktima.


Ang mag-ina ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng mismong dating padre de pamilya ng mga ito na si Godfrey Sig-od,46-anyos.

Agad naman na naaresto ang suspek at siya ay kinasuhan na ng 2 counts ng second-degree murder.

Facebook Comments