Kaso ng pamamaril ng riding-in-tandem sa Cavite, ikinaaalarma na; Limang-daang libong pisong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek, inalok ng lokal na pamahalaan ng Dasmariñas, Cavite

Cavite – Nag-alok na ng 500-libong pisong reward ang lokal na pamahalaan ng Dasmariñas, Cavite sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga riding-in-tandem sa lugar.

Kasunod ito ng apat na insidente ng pamamaril sa iba’t ibang barangay sa Cavite mula pa noong Lunes.

Nagpasa na rin ng resolusyon ang mga barangay official para pagbawalaan ang pagsusuot ng helmet, bonnet, ski mask at iba pang uri ng kasuotang magtatakip sa mukha ng mga nagmamaneho at naka-angkas sa motorsiklo.


Nagtakda rin ang kautusan ng speed limit na 20 hanggang 40 kilometro kada-oras at ipinagbawal ang mga sira at hindi mabasang plate numbers.

Sakop ng kautusan ang lahat ng lansangan sa Dasmariñas maliban na lang sa Aguinaldo Highway, Governor’s Drive, at Paliparan-Salawag-Molino Road.

Facebook Comments