Ayon sa ibinahaging impormasyon ni PMaj. Esem Galiza, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan City, may ilang naitalang kaso ng pangmomolestya at panggagahasa ang naganap sa nasabing Siyudad kamakailan lamang.
Isa sa mga natukoy na pang aabuso ay ang nangyaring pambubugbog ng tatlong kabataan sa isang 11-taong gulang na bata.
Maliban dito ay may naitala rin na kasong pang momolestya ng isang 10-taong gulang na lalaki sa isang 2-taong gulang na paslit sa lungsod pa rin ng Cauayan.
Isang dahilan na nakikita ni PMaj. Galiza sa tumataas na kaso ng pang-aabuso ay dahil sa mga napapanood ng mga kabataan sa Internet o Social Media.
Dagdag pa nito, maaaring makuha rin ng mga bata ang hindi kanais-nais na pag-uugali sa mga nakikita at naririnig sa kaniyang kapaligiran.
Samantala, patuloy ang ginagawang programa ng PNP Cauayan upang magpalaganap ng kamalayan sa mga kabataan tungkol sa dumaraming kaso ng pang-aabuso sa siyudad.
Kaugnay ng nasabing pagtaas ng kaso ng pang-aabuso, nag paalala si PMaj. Galiza sa mga magulang na bantayan ng maigi ang kanilang mga anak.