Kaso ng Pertussis sa bansa umakyat pa sa 1,112 – DOH

Umakyat pa sa 1,112 ang kaso ng pertussis o “whooping cough” sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang sa pagtatapos ng Marso, 54 na indibidwal na rin ang nasawi dahil sa sakit.

Patuloy rin ang pagtaas ng kaso ng pertussis sa mga rehiyon ng Eastern Visayas, Cagayan Valley, Caraga, Central Luzon at Cordillera Administrative Region.


Sa naturang bilang, 77% ng mga tinamaan ang mga batang limang taong gulang pababa, habang nasa 4% lamang ang mga adults o edad bente pataas.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, bumababa na rin ngayon ang supply ng mga bakuna kontra pertussis na nasa mahigit 60,000 na lamang.

Muli namang hinikayat ng kalihim ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak.

Sinabi naman ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo na posibleng magsagawa ng emergency procurement para hindi magkaubusan ng bakuna pagsapit ng buwan ng Mayo.

Facebook Comments