Kaso ng pertussis, tumaas din sa CALABARZON, Central Visayas, at iba pang rehiyon sa bansa

Tumaas ang kaso ng Pertussis sa halos sampung rehiyon sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOH Undersecretary Eric Tayag na maliban sa National Capital Region (NCR) ay dumarami rin ang kaso sa CALABARZON, at Central Visayas.

Nasa kabuuang 453 na ang naitalang kaso ng pertussis sa bansa ngayong taon, kung saan 38 ay mula sa Metro Manila.


Gayunpaman, ayon kay Tayag ay humuhupa na ang pagtaas ng kaso ng whooping cough sa NCR.

Pero patuloy pa ring hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna laban sa pertussis.

Hinimok din ni Tayag ang mga health center na manataling bukas ngayong Holy Week para sa vaccination program.

Facebook Comments