Kaso ng Pinay na namatay sa Kuwait, tinututukan ng DFA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigpit na binabantayan ng Philippine Embassy ang pagkamatay ng isang Filipina worker sa Kuwait.

Ayon sa DFA, natagpuang walang buhay sa kanyang kwarto sa Al-Salam ang Pinay overseas worker noong Marso 14.

Nadiskubre ang bangkay ng nasabing Pinay nang tumawag ng pulis ang mga kapitbahay nito makaraang mapansin na maghapon siyang hindi lumabas.


Batay naman sa inisyal na report, suicide ang ikinamitay ng nasabing OFW pero hinihintay pa ang resulta ng forensic examination.

Facebook Comments