Kaso ng pinoy na nakatatanda na inatake sa California, tinututukan ng Filipino community doon

Tinututukan ng Filipino community sa California, USA ang kaso ng 71-anyos na Pilipino na pinagsasaksak sa San Diego.

Ang Pinoy na si Jose Serra ay inatake ng isang latino habang papalabas ng trolley station.

Ligtas naman ang nasabing Pinoy bagama’t nagtamo ito ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Agad kasing nasaklolohan ang biktima at mabilis itong naisugod sa ospital.

Tumutulong na ang Filipino community doon sa paghahanap ng mga otoridad ng lead para sa agarang ikadarakip ng latinong suspek.

Facebook Comments