Iniimbestigahan na ng Hong Kong health officials ang kaso ng Pinay na nalagay sa kritikal na kalagayan matapos na magpaturok ng glutathione.
Partikular ang glutathione sa pamamagitan ng intravenous dose kung saan hindi health professional ang gumawa nito.
Ang naturang 25 anyos na Pinay ay nagkaroon ng sepsis at kinailangang ilagay sa intensive care unit (ICU) matapos na sumailalim sa nasabing medical procedure.
Ang sepsis ay isang medical emergency kung saan ang pasyente ay nalagay sa kritikal na kondisyon.
Una na ring nagbabala ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa pagpapaturok ng glutathione.
Facebook Comments