Nababahala ang Department of Health (DOH) na posibleng lumala pa ang kaso ng polio sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – ang kawalan ng palikuran sa maraming kabahayan ang isa sa maaring pagmulan ng sakit.
Ang polio virus ay kumakalat sa dumi ng tao at maaari itong naka-contaminate ng tubig at kagamitan.
Nanawagan si Duque sa publiko na iwasang dumumi kung saan-saan.
Umapela rin ang kalihim sa lokal na pamahalaan na magtayo ng mga pampublikong palikuran.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Eric Domingo – aabot sa 3.5 million toilets ang kailangang maipatayo ng gobyerno.
Tiniyak ng DOH na may sapat na bakuna kontra sa polio.
Ilan sa simtomas ng polio ay lagnat, pagkapagod, pananakit ng ulo, pagsusuka, paninigas ng leeg at pananakit ng binti at braso.
Inaatake ng polio ang utak at spinal cord kaya pwedeng mauwi sa pagkalumpo at pagkamatay.