Kaso ng rabies sa bansa, bumaba ngayong taon; publiko ‘di dapat makampante – DOH

Bumaba ang kaso ng rabies sa bansa mula nang pumasok ang taon.

Sa datos ng Department of Health (DOH), 86 na kaso ng mga tinamaan ng rabies ang naitala hanggang nitong Marso.

Mas mababa ito ng dalawang porsyento mula sa 91 na kaso noong 2023.


Sa kabila nito, sinabi ng DOH na nasawi ang lahat ng 86 ng pasyenteng tinamaan ng rabies.

Pinakamarami ang tinamaan ng rabies sa Soccsksargen, sumunod ang Calabarzon at Bicol Region.

82 mula sa 86 na kaso ang mula sa kagat ng aso, habang ang iba ay mga kagat ng pusa at iba pang uri ng hayop.

Sinabi naman ni DOH Spokesperson Albert Domingo na hindi dapat maging kampante ang publiko kahit mababa ang kaso ng rabies lalo na’t isangdaang porsyento ang fatality rate nito.

Facebook Comments