Kaso ng rabies sa bansa ngayong Setyembre, mas mataas kumpara noong 2023 –DOH

Patuloy na nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng rabies sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nas kabuuang 354 ang kaso ng rabies hanggang nitong September 14.

Mas mataas ito ng mahigit 20 porsyento kumpara sa 287 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.


Sa buong buwan ng Agosto, 27 na bagong kaso ng rabies ang naitala ng DOH.

Iginiit pa ng DOH na lahat ng kumpirmadong kaso ng rabies ay nakamamatay lalo na kapag lumabas na ang mga sintomas.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na agad magpabakuna at paturukan din ang mga alagang hayop sakaling ma-expose sa virus.

Tinatayang aabot sa 22 milyon ang bilang ng aso at pusa sa bansa.

Facebook Comments