Nakapagtala ng malaking pagbaba sa naitatalang kaso ng rabies sa lungsod ng Quezon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bunsod ito ng pinaigting nitong anti-rabies vaccination at animal castration drive sa lungsod.
Inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na wala na listahan ng Top 10 na lungsod sa bansa na may pinakamataas na kaso ng rabies makaraang itong mapasama sa listahan noong 2018.
Mula nang magsimula ang taon, nakapagturok ang City Veterinary Department ng 82, 241 alagang hayop kontra rabies.
Aabot din sa 1, 817 hayop ang sumailalim sa spay at neuter procedures.
Maliban sa naturang programa, nagsasagawa rin ng impounding ang lokal na pamahalaan sa mga ligaw na hayop na kalamitang nagdadala ng naturang virus.
Facebook Comments