Sa pagpapaigting ng programa ng pamahalaan laban kontra rabies, nananatili sa lima ang naitalang kaso ng Center for Health Development Region 1 ngayong taon.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, dalawang kaso rito ay mula sa Pangasinan, at tig-isa naman sa Dagupan City, La Union at Ilocos Sur.
Sa kasamaang palad, lahat ng ito ay nasawi dahil ang iba ay hindi nakapag-pabakuna at ang iba ay hindi ito nakumpleto.
Nananatili naman na 100% ang fatality rate nito sa rehiyon.
Patuloy naman ang pagsuyod ng awtoridad sa mga bara-barangay upang makapagbigay serbisyo sa pagbabakuna ng mga alagang hayop.
Patuloy naman ang paalala ng awtoridad na maiging magpabakuna dahil ang mabuting balita ay 100% preventable ang sakit na rabies. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









