Tumaas ang kaso ng rape at homicide cases ngayong buwan, pero bumaba sa limang iba pang focus crimes.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula January 1 hanggang 7, nakapagtala ang PNP ng 83 rape cases sa bansa, 7.79% na mataas kumpara sa 77 naitala noong December 25 hanggang 31, 2020.
Karamihan sa mga kaso ay kagagawan ng mga suspek na nakainom, at karaniwang mga kapitbahay o online friends.
Ang mga biktima na ginahasa sa mga bahay at condominiums, pinupwersa at pinagbabantaan.
Maraming kaso ng rape ay naitala sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON.
Naitala naman ang 30 kaso ng homicide ngayong buwan, kumpara sa 23 cases noong Disyembre.
Selos at mainit na pagtatalo ang dahilan ng insidente na madalas nangyayari sa Metro Manila, CALABARZON at Central Mindanao.
Ang kaso ng murder, physical injury, robbery, theft at carnapping ay bumaba.