Batay sa datos ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakapagtala na lamang ng apat (4) na kaso ng panggagahasa nitong nakaraang buwan ng Marso taong kasalukuyan mula sa siyam (9) na naitala noong Pebrero at sampu (10) naman noong Enero 2022.
Pinuri naman ni PLtCol Pepito Mendoza Jr., Deputy Provincial Director for Operations ang mga Women and Children Protection Desk Officers sa isinagawang lecture kahapon sa IPPO Multi-Purpose Hall, dahil sa pagbaba ng kaso ng rape sa buong lalawigan ng Isabela.
Samantala, bahagyang tumaas sa anim (6) ang bilang ng kaso ng rape sa lalawigan sa first quarter ng 2022 kumpara noong taong 2021.
Ayon pa sa datos ng IPPO, nakapagtala ng kabuuang 23 rape cases ang lalawigan sa first quarter ng kasalukuyang taon mula sa 17 kaso noong first quarter ng taong 2021, kung saan ang Lungsod ng Cauayan ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso.
Ayon sa pahayag ni PLtCol Mendoza, patuloy na kinokondena ng kapulisan ang krimeng panggagahasa at ito ay itinuturing na isa sa pinakamataas na antas ng imoral na gawain.