
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 414 ang kaso ng road crash injuries mula December 21, 2025 hanggang kaninang alas-5:00 ng umaga ngayong araw, December 29, 2025.
Ayon sa DOH, ang mga pinaka-apektado ay nasa edad 15 hanggang 29.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng DOH ang publiko na ugaliing magsuot ng DTI approved helmet kapag nagmomotorsiklo at seatbelt para sa mga nagmamaneho at pasahero ng mga sasakyan.
Dapat ding iwasang magmaneho kapag pagod o lasing upang maiwasan ang road crash.
At dapat sundin ang itinakdang speed limit at mga road signs upang matiyak ang ligtas at maayos na byahe.
Facebook Comments










