*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng Provincial Health Office ang mataas na bilang ng sakit na Tuberculosis sa buong lalawigan ng Isabela.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng World TB Day sa darating na Marso 24,2020.
Ayon kay Ginang Vicky Ocampo, Provincial Health TB Coordinator, umabot sa 398 ang mga pasyenteng tinamaan ng sakit na tuberculosis na kasalukuyang naggagamot.
Batay sa datos noong 2019, pumalo ng 3,964 ang kaso ng may sakit na TB dahil sa micro-bacteria na dumadapo sa isang tao na mahina ang resistensya.
*Narito ang dalawang uri ng Tuberculosis (TB)*
*—Latent TB Infection. Kung ikaw ay may positibong pagsusuri, mangangailangan ka ng reyos-ekis sa dibdib upang matiyak na ang mikrobyo ay hindi pa nagsimulang makaapekto sa iyong baga*
* —Active TB disease. Maaaring kailanganing magbigay ng uhog (plema) galing sa baga. Maaaring umpisahin kang gamutin habang hinihintay ang mga resulta ng mga iba pang pagsusuri.*
Paliwanag pa ni Ginang Ocampo na ang pagkakaroon ng sakit na TB ay may kaukulang gamutan at libre ito kaya’t kinakailangan lamang na magpasuri sa doktor sa pinakamalapit na rural health unit.