Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nananatiling mababa ang kaso ng severe at critical na COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, bagamat tumataas ngayon ang kaso ng infection, karamihan aniya sa mga kaso ay mild, asymptomatic, o moderate.
Sa kabila nito, inihayag ni Vergeire na dapat pa ring maging maingat ang publiko at magpa-booster shot na.
Iginiit ng DOH na ang mga bagong subvariants ng Omicron ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Bukod dito, ay lumuwag din aniya ang mga tao sa pagsunod sa health protocols.
Facebook Comments