Kaso ng theft at robbery, binabantayan ngayong Holiday season ng PNP

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kaso ng theft at robbery.

Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, ipinaalala na ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa mga regional directors na lumabas ng kanilang mga kampo at magsagawa ng random inspection.

Partikular aniya ito sa mga places of convergence upang matiyak na nasusunod ang mga inilatag na deployment ng mga pulis.


Bagama’t bumaba ang kaso ng theft at robbery hanggang sa unang linggo ng Disyembre, hindi naman nagpapakampante rito ang PNP.

Mas pinalakas anila ngayon ang kanilang security at pre-cautionary measures hindi lang sa mga terminal, paliparan, at pantalan kundi maging sa mga tiangge at night markets na dinadagsa ng mga tao para sa Christmas shopping.

Facebook Comments