Kaso ng tigdas sa bansa, lumobo pa sa higit 1,800

Lumobo pa ang kaso ng tigdas sa bansa ngayong taon kumpara noong 2023.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi Health Assistant Secretary Albert Domingo na mula Enero 1 hanggang Abril 13 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,817 cases ng tigdas sa buong bansa o 4.85%

Mas mataas ito ng limang beses kumpara sa mga naitalang kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.


Pero paglilinaw ni Domingo na ang tigdas ay hindi maiuugnay sa mainit na panahon dahil maaari naman itong dumami anuman ang panahon.

Dagdag pa ng opisyal na ang pagtaas ng kaso ng tigdas ay hindi lang sa Pilipinas nangyayari kundi sa buong mundo na nagiging ‘worldwide concerns’, batay na rin sa anunsiyo ng World Health Organization (WHO), lalo pa’t marami aniyang hindi nabakunahan noong panahon ng pandemya.

Facebook Comments