Patuloy na tumataas ang kaso ng Tigdas sa bansa.
Sa datos ng epidemiology Bureau ng Depatment of Health (DOH), mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon ay aabot na sa 39,184 ang kaso ng Tigdas.
Nasa 175 na bagong kaso nito ay naitala lamang mula July 7 hanggang 13.
Sa ngayon, aabot na sa 533 ang nasawi, limang beses na mas mataas kumpara noong 2018.
Karamihan sa mga kaso ay naitala sa Calabarzon na may 7,213 cases, sumunod ang National Capital Region (NCR) na may 6,969 cases, at ikatlo ang Central Luzon na nasa 6,350 cases.
Pinakaapektado ng Tigdas ay mga batang may edad apat na taon pababa.
Facebook Comments