Mahigit 18,000 na ang naitalang kaso ng tigdas sa buong bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), naitala ang 18,553 kaso ng tigas sa bansa mula January 1 hanggang March 7, 2019.
Sa naturang bilang, 286 ang bilang ng mga nasawi sa kaparehong panahon.
Pinakaapektado pa rin ng tigdas ang mga batang may edad 1 hanggang 4 taong gulang.
Nananatili namang mataas ang kaso ng tigdas sa Calabarzon na may 4,087; National Capital Region (NCR) na may 3,850 at Central Luzon na may 2,840 kaso.
Pinakamaraming nasawi sa NCR na 82; Calabarzon na may 80 at Central Luzon na may 43.
Facebook Comments