Pumalo na sa higit 30,000 ang kaso ng tigdas sa buong bansa sa unang kwarter ng taon.
Sa pinakahuling Department of Health (DOH) disease surveillance report, nasa 31,056 measles cases mula Enero hanggang Abril 13.
Mataas ito ng higit 6,000 kaso kumpara sa kaparehas na panahon noong 2018.
Umabot na rin sa 415 ang namatay dahil sa tigdas.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamataas na kaso ng tigdas na nasa 6,075, sunod ang Calabarzon (6,010 cases) at Central Luzon (5,010 cases).
Hinimok ng DOH ang mga magulang na bakunahan ang mga anak para may proteksyon ang mga ito sa tigdas at iba pang sakit.
Facebook Comments