Sumampa na sa higit 26,000 kaso ng tigdas ang naitala sa buong bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa 26,956 measles case ang narekord mula January 1 hanggang March 30.
Mas mababa kumpara sa higit 5,000 kaso sa kaparehas na panahon noong 2018.
Nasa 381 na ang namatay dahil dito.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na kaso ng tigdas na may 5,586, sumunod ang Calabarzon (5,281) at Central Luzon (4,287).
Samantala, nagpahayag na ng pagkabahala ang World Health Organization (WHO) sa paglaganap ng tigdas sa Western Pacific Region, kabilang ang Pilipinas.
Facebook Comments