Patuloy ang pagtaas ng kaso ng tigdas sa buong bansa.
Sa datos ng Department of Health – Epidemiology Bureau, mula January 1 hanggang March 14 ay aabot na sa 21,396 measles cases na ang naitala.
Mataas ito kumpara sa 4,417 cases na naitala noong nakaraang taon.
Pinakamaraming kaso ang naitala sa Calabarzon (4,401 cases), sumunod ang National Capital Region (NCR – 4,266 cases), Central Luzon (3,409), Western Visayas (1,197) at Northern Mindanao (1,059).
Umabot na rin sa 315 ang namatay, pinakamarami sa Calabarzon, NCR at Central Luzon.
Panawagan ni DOH Secretary Francisco Duque III sa mga health workers na gawing accessible ang mga bakuna kontra tigdas.
Facebook Comments