Apat katao na ang nasawi dahil sa Tigdas mula sa lalawigan ng Maguindanao ngayong 2019.
Nagmumula ito sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Shariif Aguak, Shariff Saidona Mustapha at South Upi. Naitala ito sa unang tatlong buwan ng taong 2019 ayon pa kay Dr. Tahir Sulaik sa panayam ng DXMY.
Sinasabing mas bumaba ang kaso ng tigdas kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong mga buwan, dagdag pa ni Dr. Sulaik. Nakapagtala lamang ng 134 na kaso ng tigdas mula enero hanggang ngayong buwan, mas mababa ng 425 % . Sinasabing umabot sa 703 noong first 3 months ng 2018.
Nailta sa mga bayan ng Buluan na may 19 na kaso, Shariff Aguak, 17, DAS 15, Ampatuan 11, DOS 7, DSA 7, GSKP 6, Talayan 5, SK 5, Guindulungan 4, mamasapano 4, SSM 3, Rajah Buayan 3, Mangudadatu 3, Paglas 3, Paglat 2, Pandag 2, Sultan Mastura 2, Talitay 1, South Upi 1 at DAM 1.
Sa kabila ng mga nabanggit na bilang, iginigiit ng IPHO Maguindanao na walang outbreak ng Tigdas sa lalawigan.
Nagpapatuloy naman ang inisyatiba ng IPHO Maguindanao sa lahat ng bayan sa lalawigan upang tuluyang maiwasan ang kaso ng tigdas kasabay ng mainit na panahon.
Kaso ng tigdas sa Maguindanao bumaba ayon sa IPHO
Facebook Comments