Kaso ng tigdas sa Metro Manila, patuloy sa paglobo

Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga batang tinatamaan ng tigdas sa Metro Manila.

Batay sa tala ng San Lazaro Hospital, umabot na sa 1,249 ang kaso ng tigdas para lamang sa buwan ng Enero.

47 sa mga ito na may edad tatlong taon pababa ang nasawi habang apat ang namatay dahil sa kumplikasyon.


Ayon kay San Lanzaro Hospital Spokesman Dr. Ferdinand De Guzman, tumaas ang bilang ng mga batang may tigdas dahil sa takot ng ilang mga magulang na bigyan ng bakuna ang kanilang mga anak.

Pagtitiyak nito, ligtas sa mga bata ang mga bakuna laban sa tigdas na available sa mga health centers sa bansa.

Facebook Comments