CAUAYAN CITY – Nakapagtala ng 11% na pagbaba ng kaso ng tinamaan ng dengue fever ang Department of Health Region 02 para sa unang quarter ng taon.
Sa isang panayam, sinabi ni JB Cabatotan, Senior Health Program Manager ng Department of Health (DOH) R02, umabot sa 2,152 ang naiulat na tinamaan ng sakit mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Mas mababa aniya ito kumpara sa 2,415 na naitala noong unang quarter naman ng 2023.
Naitala naman sa Probinsya ng Nueva Vizcaya ang pinakamataas na bilang na 965, sunod ang Isabela na may 471, Cagayan na nasa 460, habang 165 naman sa quirino, 87 sa Santiago City, at apat (4) sa Batanes.
Watch more balita here: 𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔’𝗦 𝗚𝗢𝗧 𝗧𝗔𝗟𝗘𝗡𝗧, 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪
Inihayag ni Cabatotan na mula sa mga nabanggit na bilang, lima sa mga ito ay nasawi kung saan apat (4) sa mga ito ay sa Isabela habang isa (1) naman sa Cagayan.
Inabisuhan naman ng DOH ang publiko na patuloy na maging mag-ingat sa dengue sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay at pag-aalis sa mga posibleng pamahayan ng lamok.