KASO NG TYPHOID FEVER SA LALAWIGAN NG PANGASINAN TUMAAS NG 14%; MGA SANITARY INSPECTORS MULA SA LAHAT NG BAYAN SA PROBINSYA HINIMOK NA MAGSAGAWA NG MAHIGPIT NA INSPEKSYON SA MGA KAINAN

Tumaas ang kaso ngayon ng sakit na typhoid fever sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa report ng Provincial Health Office.
Sa session ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ngayong araw, ika-14 ng Agosto, ibinahagi ni Provincial Health Officer Dra. Anna Maria Theresa De Guzman na tumaas ang kaso ng naturang sakit kung saan nasa 101 na kaso ang naitala ng mga pampubliko at pribadong hospital sa lalawigan.
Ayon kay De Guzman nakakaalarma ito dahil 14% na mataas kumpara sa 88 kaso lamang sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ani De Guzman karaniwang nagkakaroon ng ganitong sakit dahil sa mga kontaminadong tubig o pagkain na kinakain ng mga tao.
Dahil dito, hinimok at tinatawagan ng pansin ng opisyal ang mga Municipal Sanitary Inspectors mula sa lahat ng bayan sa probinsya na magsagawa ng massive at mahigpit na inspeksyon sa pampubliko at pribadong mga kainan dahil upang maiwasan ang ganitong sakit.
Nagpaalala din ang opisyal sa publiko na ugaliing tignan at siguraduhing malinis at sariwa ang mga sangkap na niluluto bago isilbi sa mga kumakain gayundin ang pag siguro kung malinis ang mga gagamiting pangluto ng pagkain. |ifmnews
Facebook Comments