MANILA – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroong anim na panibagong kaso ng zika virus sa Pilipinas.Sa kabuhuan, 14 na ang kumpirmadong kaso ng zika sa bansa.Lima dito ay naitala noong 2015 habang siyam ngayong 2016… pito, rito ay mula sa Iloilo habang tig-isang kaso sa Cebu at Laguna.Nilinaw ng DOH na lahat ng naitalang kaso ay locally transmitted o hindi nanggaling sa ibang bansa na may kaso na ng zika.Bagamat, patuloy ang pagdami ng mga bansang may kaso ng zika virus, Sinabi ng World Health Organization (WHO), na hindi sila nababahala sa Pilipinas dahil sa maayos na pagtugon ng DOH.Muli ring ipinaalala ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag, na palaging maglinis ng kapaligiran lalo na sa mga lugar na pwedeng pangitlugan ng mga lamok.Sa ngayon, nagpadala na ng quick response team ang DOH sa ibat-ibat lugar sa bansa para mamonitor ang kaso ng zika.
Kaso Ng Zika Virus Sa Bansa, Nadagdagan Pa
Facebook Comments