Kaso ni dating Mayor Alice Guo, nakatimbre na sa Interpol –Hontiveros

Kinumpirma ni Senator Risa Hontiveros na naipaabot na sa Interpol ang kaso ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Hontiveros, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bukod kay Alice Guo, nakatimbre na rin sa Interpol ang mga kapatid nitong sina Sheila at Wesley, gayundin si Cassandra Ong para sa kaukulang aksyon.

Kinumpirma rin ng senadora na inilagay na ng DFA Office sa kanilang passports watchlist database si Guo at pamilya nito.


Layon nito na matiyak na hindi sila maiisyuhan ng bagong Philippine passport.

Ipagpapatuloy ng Senado ang pagdinig nito sa kaso ni Guo sa darating na Martes, August 27.

Facebook Comments