KASO NI MARJORETTE GARCIA NA PINATAY SA SAUDI ARABIA, PATULOY NA GUMUGULONG; PAG-UUWIAN NG MGA LABI NITO SA PANGASINAN, PAG-UUSAPAN NG MGA PAMILYA’T KAANAK NGAYONG ARAW

Patuloy pa rin sa imbestigasyon ang mga awtoridad sa kaso ng natagpuang patay at may saksak na Pangasinenseng Domestic Helper na si Marjorette Garcia na nagtatrabaho sa Al Khobar, Saudi Arabia.
Sa eksklusibong panayam ng IFM Dagupan sa agency ni Marjorette, inaasikaso na nila ang funeral services ng biktima kung saan ngayong araw ng Huwebes pag-uusapan ng pamilya at kaanak ng biktima kung saan iuuwi ang mga labi ni Marjorette.
Matatandaan na September 27 ngayong taon nang pumutok ang isyu ni Marjorette kung saan bumuhos ng pakikiramay ang sambayanan dahil isa na namang Pinay ang namayapa sa ibayong dagat kung saan labis-labis ang paghihinagpis ng pamilya’t kaanak nito.

Kwento pa ng kaanak ng biktima, na masayahin at palabiro si Marjorette, tanging rason lang anila kung bakit umalis ito sa bansa ay upang maibigay ang inaasam-asam na Magandang buhay sa kanyang pamilya at upang mabigyan ng Magandang kinabukasan ang naulilang dalawang anak nito.
Hustisya pa rin ang hiling ng mga naulilang pamilya at kaanak ng biktima.
Sa ngayon, hawak na ng Saudi Police ang Kenyan National na dating katrabaho ni Marjorette na pangunahing suspek sa pagpatay sa nasabing biktima. |ifmnews
Facebook Comments