Ayon kay Senator Leila de Lima, ang kaso ng hinihinalang drug lord na si Peter Lim ay patunay na doble kara at malaking krimen lang ang war on drugs ng administrasyon.
Diin ni De Lima, madugo lang ito kung ang sangkot ay mahirap, karaniwang taong naligaw ng landas at walang kapit.
Dismayado si De Lima na wala namang napapanagot na totoo at malaking drug lord.
Pahayag ito ni De Lima kasunod ng balitang nakalabas na umano ng bansa si Peter Lim.
Hinanakit ni De Lima, sa kaniya ay napakabilis nag-imbento ng kung anu-anong pekeng ebidensya, pero kay Peter Lim na may tunay na batayan ay dinismiss lang ang kaso at pinatakas pa umano.
Para kay De Lima, isang kahihiyan at may bahid ng korapsyon ang kaso ni Peter Lim.
Facebook Comments