Wednesday, January 21, 2026

Kaso ni Revilla, patunay na hindi palabas ang ICI — Malacañang

Binuweltahan ng Malakanyang ang mga kritiko na nagsabing palabas lang ang paglikha sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para pagtakpan ang mga kaalyado ng administrasyon sa kampanya laban sa katiwalian.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patunay ang kaso ni dating Senador Bong Revilla na hindi palabas ang ICI at walang pinoprotektahan .

Kung palabas lamang ang imbestigasyon, hindi aniya sana masasangkot ang isang dating kaalyado at kandidato ng administrasyon tulad ni Revilla.

Dagdag ng Palasyo, malinaw rin ang nagiging resulta ng trabaho ng ICI, dahil sa dami ng dokumento at ebidensiyang nakalap at sinuri ng komisyon.

Para sa Malacañang, sa halip na kwestyunin ang ICI, mas dapat anilang itanong kung ano na ang nagawa ng Kongreso para mapabilis ang pagpasa ng panukalang Independent People’s Commission Act na kabilang sa mga prayoridad ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Palasyo na tuloy-tuloy ang kampanya ng administrasyon laban sa korapsyon at hindi ito palabas, lalo na sa usapin ng mga maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments