Manila, Philippines – Hindi maglalabas ng desisyon ngayong araw ang Makati Regional Trial Court branch 148 kaugnay ng kasong kudeta ni Senador Antonio Trillanes IV.
Una rito, sinabi ng Makati City Police na inaasahan nilang maglalabas na ng desisyon si Judge Soriano ngayong hapon.
Pero ayon kay Makati RTC branch 148 clerk of court maria Rhodora malabag-peralta – walang order na ilalabas si judge Andres Soriano ngayong araw at maging bukas.
Nauna nang nag-isyu ng Warrant of Arrest at Hold Departure Order ang Makati RTC branch 150 laban kay Trillanes hinggil naman sa kaso niyang rebelyon pero agad na nakalaya matapos na makapag-piyansa.
Facebook Comments