Manila, Philippines – Balak nang pag-isahin ng Public Attorney’s Office (PAO) ang kaso nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.
Ayon kay PAO Chief, Atty. Persida Acosta – aalamin nila ang posibilidad na konektado ang Caloocan PNP sa pagkamatay ni Reynaldo.
Naniniwala rin si Acosta na kapwa biktima ng summary execution ang dalawang binatilyo.
Iginiit naman ni Caloocan Chief of Police, S/Supt. Jemar Modequillo, huwag agad ibintang sa mga pulis ang pagkakamatay ni Reynaldo.
Sa kabila nito, desisdido ang PAO na kasuhan ng double murder ang mga sangkot na pulis.
Tiniyak ng pao na wala silang kakampihan sa kaso kahit mga pulis at taong gobyerno pa ang babanggain nila.
Facebook Comments